Kalendaryong pang-ekonomiya

Kalendaryong Pang-ekonomiya by Myfxbook.com

Ano ang Kalendaryong Pang-ekonomiya

Ang kalendaryong pang-ekonomiya ay isang tool na naglilista ng lahat ng mahahalagang event pang-ekonomiya. Sinasaklaw din ng ilang kalendaryo ang mahahalagang indicator, index at rating.

Ang kalendaryong pang-ekonomiya ng JustMarkets ay nag-aalok ng:

  • 1000+ na event pang-ekonomiya;
  • Live na real-time monitoring para sa higit 50 bansa;
  • Klasipikasyon ayon sa epekto ng event
  • Mga naku-customize na time zone batay sa iyong lokasyon;
  • Mga Android at iOS na aplikasyon.

Regular naming ina-update ang kalendaryo sa tulong ng milyun-milyong mamamahayag mula sa buong mundo. Ang data ay dumarating nang live 24 na oras bawat araw, 5 araw sa isang linggo. Anuman ang mangyari, palagi naming sinisiguro na mayroon ka ng pinakabagong balita at pinaka-nauugnay na data.

Ano ang Mga Event Pang-ekonomiya

Ang mga event pang-ekonomiya ay ang mga balita, mga publikasyon ng report, mga pahayag ng mga opisyal ng gobyerno at iba pang media na maaaring makaapekto sa presyo ng mga Forex quote.

Narito ang ilang halimbawa ng mga mahahalagang event pang-ekonomiya:

  • Mga Publikasyon ng GDP Report;
  • Publikasyon ng FOMC Minutes;
  • Pag-update ng Job Openings at Labor Turnover Survey;
  • Talumpati ng Pangulo ng ECB hinggil sa Pangunahing Interest Rate;
  • Botohan ng British Parliament kaugnay ng pag-alis ng UK sa European Union.

Hindi lahat ng mga event na ito ay may pantay-pantay na epekto. Ngunit bawat isa ay may kahalagahang pang-ekonomiya at tiyak na makakaapekto sa merkado at magsasanhi ng isang buyout o isang sell-off.

Bakit Kailangan ng mga Trader ang Kalendaryong Pang-ekonomiya

Ang ekonomiks ay isang larangan ng pag-aaral na lubos na naaapektuhan ng mga tunay na event sa mundo. At ang FX-trading, na gumagamit ng mga prinsipyo ng ekonomiks sa aktwal na pagte-trade, ay ang patunay nito. Kaya kahit kadalasang maaasahan ang mga mathematical pattern at iba pang Price Action system, halos wala itong silbi kapag may malalaking nangyayari sa tunay na mundo.

Ang mga kalendaryong pang-ekonomiya ay nagbibigay ng data para sa mas malalim na analisis at tumutulong upang mahulaan ang direksyong tatahakin ng Forex market sa hinaharap. Pangunahing ginagamit ang mga ito ng mga tagasunod sa fundamental analysis. Ang ilang mga estratehiya sa FX-trading, gaya ng scalping, ay binubuo batay sa paggamit ng kalendaryong pang-ekonomiya para mahulaan ang mga kaguluhan sa merkado at pagte-trade upang mapakinabangan ito.

Gayunman, kahit na kinamumuhian mo ang fundamental economic analysis at sumusunod sa Price Action strategies, maaari mo pa ring gamitin ang Kalendaryong Pang-ekonomiya upang makita kung kailan maaaring maapektuhan ang merkado ng mga tunay na event sa mundo.

Paano Gamitin ang Kalendaryong Pang-ekonomiya

Ang kalendaryong pang-ekonomiya ng JustMarkets ay inililista ang lahat ng event na nauugnay sa pagte-trade sa kronolohikal na pagkakasunud-sunod.

  • Ang unang column ay tinutukoy ang eksaktong petsa at oras kung kailan magaganap ang event;
  • Ang ikalawang column ay inililista kung ilan ang natitirang oras hanggang sa pagsisimula nito;
  • Ang ikatlong column ay naglalaman ng pangalan ng event, pati na rin ang watawat ng bansa kung saan ito magaganap;
  • Ang ikaapat na column ay nagpapaliwanag kung gaano kalaki ang magiging epekto ng event sa merkado at kung gaano katindi ang volatility na maaaring idulot nito;
  • Ang ikalimang column ay ipinapakita ang tinatayang pagbabago na idudulot ng event sa katayuan ng currency;
  • Ang ikaanim na column ay nirerebisa ang tinatayang pahayag kung ito ay kinakailangan;
  • Ang ikaanim na column ay nirerebisa ang tinatayang pahayag kung ito ay kinakailangan;


Maaari mo ring i-click ang bawat event upang makita ang deskripsyon nito, pati na rin ang link kung saan maaari mong mabasa ang higit pang impormasyon tungkol dito.

PAALALA: Kung mga pangunahing currency lang ang tine-trade mo at ayaw mong magsagawa ng sarili mong analytics, tingnan ang aming Market Overviews at Daily Forecasts. Naka-lista rito ang pinakamahahalagang event, at ipinaliliwanag rin kung paano eksaktong maaapektuhan ng mga ito ang merkado.

Paano I-filter ang Mga Walang Kaugnayang Event

Kung sa tingin mo ay may napakaraming walang kaugnayan event – huwag mag-alala, maaari mong i-filter at alisin ang mga hindi mo kailangan. Para gawin ito, i-click ang “Higit Pa” na button at i-set up ang mga filter setting.
Dito, maaari mong alisin ang mga currency na hindi mo kasalukuyang tine-trade, pati na rin ang mga event na may mababang epekto na hindi nagdudulot ng sapat na volatility para pagtuunan mo ng pansin.